Nasa 200 teacher-broadcaster ang kinakailangan ng Department of Education (DepEd) para bumida sa mga episode ng DepEd TV na gagamitin sa pag-aaral sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.
Nakapili na umano ang DepEd ng 100 teacher-broadcaster na nagsanay na at nagsimula nang mag-shoot ng mga episode ngunit nasa 200 slot pa ang kailangan punan ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua.
Nasa hight 3,000 guro ang nag-apply umano ngunit kakaunti lamang ang pumasa dahil mahigpit umano ang mga kwalipikasyon ng DepEd.
Inamin ng DepEd na mahirap makapili ng teacher-broadcaster dahil kailangan umano ay may personalidad ang mga guro na magturo sa harap ng kamera. Hindi lamang daw sapat na eksperto na ang mga guro sa kanilang subject matter.
Nasa 130 hanggang 200 episode ng mga TV lecture ang kailangan daw i-produce ng mga teacher-broadcaster kada isang linggo, o hanggang 5 episode kada teacher.
Gagamitin ang mga episode sa DepEd TV, kung saan ihahatid ang mga aralin sa pamamagitan ng telebisyon ngayong ipinagbabawal ang face-to-face classes dahil sa banta ng nakahahawanag sakit na COVID-19.
Nakatakdang mag-umpisa ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Okt. 5 ngunit sa pamamagitan lamang ng distance learning.
Isa ang telebisyon sa mga education delivery modes sa ilalim ng distance learning, kasama ang printed learning modules, online instruction, at radio lessons.
Batay sa isang survey ng DepEd, karamihan sa mga mag-aaral ay mas gustong gumamit ng printed learning module dahil wala umanong kapasidad para sa online lessons.
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.