Skip to content

Kahandaan ng SPED blended learning, kwinestyon


Kwinestyon ng isang senador nitong Huwebes ang kahandaan ng programang blended learning ng Department of Education para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, pinuno ng Senate Committee on Basic Education, kulang pa ang kahandaan ng DepEd para sa blended learning pagdating sa special education (SPED).

Mayroon aniyang nasa 230,000 mag-aaral sa ilalim ng SPED sa Pilipinas.

READ: Briones: Metro Manila face-to-face classes difficult to implement



“For example (Halimbawa), occupational therapist or speech therapist, kailangan maghanap tayo para pumunta sa bahay nila or maghanap tayo ng mga espesyalista para pumunta sa bahay nila,” ani Gatchalian.

“Hindi pa complete ‘yung preparation in so far as learners with disabilities is concerned. ‘Yung modules mabibigyan sila, pero yung additional support, ‘yun ang ginagawan ng action plan ng DepEd,” dagdag niya.

(Hindi pa buo ang paghahanda lalo na para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.)

Mayroon namang sariling paghahanda ang mga pribadong paaralan para sa SPED sa ilalim ng blended learning na programa nito.

Nakatakdang magsimula ang klase sa ika-24 ng Agosto sa pamamagitan ng blended learning dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, magpipresenta ulit ang DepEd ng mga hakbang na ginagawa nito para sa SPED blended learning sa darating na Sabado.



Don’t Miss: Villanueva gustong linawin ng DOLE ang mga panuntunan para sa mga guro


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *