Skip to content

Quezon City naglaan ng P209 milyon para sa blended learning


Inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang P209 milyon na budget para suportahan ang pagpapabuti ng blended learning system ng Quezon City University (QCU).

Ayon sa alkaldeng si Joy Belmonte, na siya ring chairperson ng board of regents ng Quezon City University, bahagi ang budget ng paghahanda ng lungsod para sa blended learning system sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19. Inaprubahan ang nasabing budget noong nakaraang linggo.

Photo Courtesy of Mayor Joy Belmonte FB Page

Inaasahan umano na mayroong 9,000 na magpapatala para sa darating na pasukan sa tatlong campus ng QCU.



BASAHIN: DepEd asked about reducing tuition fees amidst pandemic

Ayon kay Dr. Victor Endriga na siyang officer-in-charge ng QCU, gagamitin ang budget para sa internet ng mga mag-aaral at guro, pambayad sa mga computer software, at online reference materials, at pag-develop ng mga academic management system.

Dagdag pa ni Endriga, maglalaan din umano ng pondo mula sa budget para sa medical supplies at equipment ng mga guro at staff ng QCU para masiguro ang kanilang kaligtasan mula sa banta ng COVID-19.

Bukod pa sa P209 milyon na budget, plano din umano ng lokal na pamahalaan ang maglunsad ng Laptop Loan Program, kung saan maaaring mag-loan ng laptop ang mga mag-aaral at guro habang sila ay nag-aaral o nagtuturo sa QCU.



ALSO READ: DepEd: Production of self-learning modules with teachers a joint effort


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *