Skip to content

Halos 6 milyon estudyante walang kapasidad para sa online learning


Tinatayang halos 6 milyon estudyante ang walang kapasidad na lumahok sa online learning batay sa isang survey ng Department of Education (DepEd).

Batay sa pinakahuling resulta ng Learner Enrollment and Survey Form, lumabas na halos 6 milyon ang walang internet access habang nasa 2 milyon naman ang nagsabing wala silang laptop, gadget, telebisyon o radio.

Isa ang online learning sa educational delivery modes sa ilalim ng programang blended learning ng DepEd. Ang ibang paraan pa ay ang paggamit ng printed learning modules, at radio at telebisyon.



Ayon sa DepEd, ang kawalan o kakulangan sa gadget at internet ang isa sa mga dahilan kung bakit mas maraming magulang at estudyante ang pinili ang m ga printed learning module para sa pagsisimula ng klase sa ika-24 ng Agosto.

“Because of those limitations na even in this time of pandemic na gusto pa rin nila magkaroon ng combination of face-to-face with other modalities,” ani Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

(Dahil doon sa mga limitasyon kaya gusto pa rin ng ilang na mayroong face-to-face na klase kahit na may pandemya.)

Nasa halos 9 milyon  magulang at estudyante ang gustong gumamit ng printed learning module ayon sa resulta ng survey ng DepEd.’



Patuloy pa umano ang paglilimbag ng mga printed learning module na gagamitin sa ika-24 ng Agosto.

Magsasagawa umano ang DepEd ng isang national dry run ng distance learning  sa ika-10 ng Agosto.

BASAHIN: Mga paaralan puwede pang tumanggap ng late enrollees hanggang Setyembre


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


2 thoughts on “Halos 6 milyon estudyante walang kapasidad para sa online learning”

  1. Good day po..tuloy po ba yung pag hire ninyo ng mga volunteer teachers?saan po pwede pumunta para mag apply. Thanks po tga lanao del norte po ako

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *