Humiling ang National Council for Children’s Television (NCCT) ng sarili nitong office building upang mas magampanan umano ang kanilang mandato lalo na at magsisimula na ang distance learning sa panahon ng pandemya.
Ang NCCT, na isang attached agency ng Department of Education (DepEd), ay ang opisinang responsible sa pag-monitor ng mga child-friendly programs ng mga broadcast network.
Ayon kay NCCT Executive Director Daisy Atienza, mas magagampanan nila ang kanilang trabaho kung mabibigyan sila ng sariling kagamitan.
“Primary requirement is to house these monitoring equipment to having an ample space for monitoring equipment,” aniya sa pagdinig ng 2021 budget ng DepEd sa Senado.
Sa kasalukuyan, isa’t kalahating kuwarto sa DepEd Central Office ang nagsisilbing tanggapan ng NCCT, ayon kay Atienza.
“There are 377 TV stations all over the Philippines. They are registered under National Telecommunications Commission. We really want to monitor these 377 but we cannot because we don’t have yet the monitoring equipment and the office and the office space,” dagdag pa niya.
(Mayroong 377 TV station sa Pilipinas na n akarehistro sa ilalim ng National Telecommunications Commission. Gusto namin ma-monitor ito ngunit di namin ito kaya dahil kulang kami sa gamit at lugar.)
Dahil sa kakulangan ng gamit, nagpasa ng child-friendly content standard ang ahensya at nagsusumite naman daw ng compliance report ang mga broadcast network.
Nakatakdang magpalabas ng mga learning program ang DepEd sa pagbubukas ng klase sa Okt. 5 bilang isa sa mga education delivery mode habang hindi pa maaaring ipagpatuloy ang face-to-face na mga klase.
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.