Skip to content

Mga kolehiyo, unibersidad pinagpapaliwanag ukol sa ‘miscellaneous fees’


Pagpapaliwanagin ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga pribadong kolehiyo at paaralan kung para saan ang mga sinisingil na “miscellaneous fees” para sa flexible learning.

Sa isang pagdinig sa Senado, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na hihikayatain ng komisyon ang mga pribadong unibersidad na ipaliwanag sa mga magulang at estudyante ang nasabing mga miscellaneous fees.

“We will now tell the private universities, ‘In your discussion with the students and faculty, explain to them and inform them how the existing miscellaneous fees that are going to be collected, and will be used not for the original purpose but for adjustment to flexible learning’,” ani De Vera sa isang pagdinig ng Senado ngayong lingo.



Binigay ni De Vera ang pahayag matapos sabihin ni Sen. Imee Marcos na maraming magulang at estudyante ang umaaray dahil sa dagdag na miscellaneous fees kahit na hindi naman magagamit ang karamihan ng pasilidad sa paaralan dahil sa pandemya.

“Hindi talaga maintindihan ng magulang at mga anak ay kung bakit daw may lab fees, library fees, medical and dental fees,” ani Marcos.

Ayon kay De Vera, humingi ng pahintulot ang mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa CHED para makapaningil ng miscellaneous fees.

Karamihan sa mga unibersidad at  kolehiyo ay gagamit ng flexible learning tulad ng online instruction at mga take-home na module para sa darating na pasukan.




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *