Pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagbabalik ng mga face-to-face na klase sa mga lugar na may mababang bilang ng kaso ng COVID-19.
Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) na magsumite ng proposal ukol sa isyu para mapag-aralan ito ng inter-agency task force on emerging and infectious diseases.
“Mayroon pong proposal na limited face-to-face, hindi pa po yan mapapatupad hanggang hindi pa po naaprubahan ng ating Presidente,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes.
“Ang sabi po ni Presidente, isubmit mo sa amin ang written proposals at nang ma-discuss ng mas mabuti yan,” dagdag niya.
READ ALSO:
Gatchalian airs concerns over TV and radio-based learning
Pasig City reports 93 percent enrollment turnout
Sa isang pulong noong Miyerkules ng gabi, ipinaalam ni CHED Chair Prospero De Vera III at Education Secretary Leonor Briones ang hiling ng ilang grupo para ibalik ang face-to-face na mga klase lalo na sa mga lugar na napaisailalim na sa modified general community quarantine o MGCQ.
“Sa tingin namin sa mga tinatawag nating low-risk areas pwede siguro payagan natin ‘yung limited na face-to-face pero may mga kondisyones,” ani Briones.
Matatandaang dati nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya papayagan ang face-to-face na mga klase hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19.
Nakatakdang magsimula ang mga klase sa ika-24 ng Agosto.
READ MORE:
Gobernador ng Cavite nagpahayag ng pagkabahala sa gastos sa blended learning
DepEd: Production of self-learning modules with teachers a joint effort
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.
Mahirap po yan,nakaksiguro po ba kau na susunod ang mga bata, matanda nga po ang hirap pasunurin sa protocol dba.Dont take a risk.