Nahigitan na ang target na bilang ng mga mag-aaral na inaasahang magpapatala sa mga pampublikong paaralan sa Maynila ayon sa alkalde ng lungsod na si Isko Moreno Domagoso.
Sa tala ng Manila Division of City Schools nasa 270, 219 na mag-aaral na ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan sa Maynila. Mas mataas ito sa inaaasang 268,972 na magpapatala.
Ayon sa alkalde, ang pagtaas umano ng bilang ng mga nag-enroll sa mga pampublikong paaralan ay maaaring dahil sa kawalan o kabawasan ng kita ng ilang pamilya dahil sa krisis dulot ng COVID-19.
READ ALSO:
DepEd: Mga guro walang ‘enrollment quota’
OPINION: Stop normalizing teachers’ resiliency
“Sabi ko, maghanda tayo ng buffer kasi ‘yong mga nasa private school lilipat ‘yan ng public school sa hirap ng buhay. Mukhang tumama, maraming lumipat,” ani Domagoso sa isang Facebook live.
Maaari pang mag-enroll sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa hanggang ika-15 ng Hulyo.
Nauna nang sinabi ng alkalde na maglalaan ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng higit P1 bilyon para sa mga gadget na kakailanganin ng mga guro at mag-aaral sa ilalim ng blended learning ng Department of Education.
Bibigyan ang mga guro ng laptop na may kasamang pocket WiFi samantalang ang mga mag-aaral naman ay makakatanggap ng mga tablet na may kasamang sim.
READ MORE:
Higit 5 milyon posibleng hindi makapag-aral ngayong taon
DepEd asked about reducing tuition fees amidst pandemic
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.
Dear mayor Isko Moreno
Good day! thanks for your being kind hearted mayor in Manila.. I hope ,you are always in good health and safe.God bless.
keep up the good work! we love you!
Your truly:
your idol the tondo girl..