Skip to content

Makati mamimigay ng learner’s package, libreng internet load sa mga estudyante


Mamimigay ang lokal na pamahalaan ng Makati ng libreng internet load at mga “learner’s package” sa higit 85,000 estudyante sa siyudad.

Makakatanggap ang mga estudyante ng flash drive, mga printed na module, at dalawang pirasong face mask na may pouch ayon kay Makati Mayor Abigail Binay.

Mayroon din umanong libreng internet load para sa limang oras na pag-aaral araw-araw para sa buong school year 2020-2021.



BASAHIN: OPINION: Rushed internet connectivity project proves PH unprepared for distance learning

Paglilinaw ng alkalde, bukod pa ang nasabing mga benepisyo sa taunang tulong pang-edukasyon ng lokal na pamahalaan gaya ng mga libreng uniporme, sapatos, rubber shoes, at mga gamit para sa pag-aaral.

Mayor Abby Binay on Makati’s Free Learners package.

Magbibigay din umano ang Makati ng libreng internet load sa mga guro sa mga pampublikong paaralan para makapagsagawa sila ng mga online classes.

Ayon kay Binay, ang mga dagdag na benepisyo ay bahagi ng pakikiisa ng siyudad sa pagsusulong ng Department of Education sa blended learning upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga batang Pilipino sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.



Inaasahang gagamit ng mga printed module, online resources, radyo at telebisyon para maipagpatuloy ang edukasyon habang ipinagbabawal pa ang mga face-to-face na klase.

Umapela rin si Binay sa mga magulang na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para maging matagumpay ang pagbubukas ng klase.

Maaaring mag-enroll hanggang bukas ang mga estudyante samantalang nakatakda namang magbukas ang klase sa ika-24 ng Agosto.

(Photo Courtesy to MY Makati)



READ MORE:
7,000 paaralan magkakaroon ng internet
Quezon City naglaan ng P209 milyon para sa blended learning


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *