Hindi lang teacher, rider pa.
Nanumpa nitong Martes ang mga teacher-riders na miyembro ng Department of Education- Imus City Eagle Riders (DICER) sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Maliksi para sa pagdedeliver ng mga learning module sa mga estudyante.
Ayon kay Arturo Rosaroso Jr, principal ng Imus National High School at ang bumuo ng DICER, ang paghahatid ng mga guro ng mga learning module ay isang pagpapakita ng bayanihan para sa edukasyon sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.
“The team is ready, willing to serve, and raring to go para maabot ang mga bidang mag-aaral na Imuseño,” ani Maliksi.
BASAHIN: DepEd: Production of self-learning modules with teachers a joint effort
Isa ang mga printed module sa uri ng pag-aaral na pupuwede sa ilalim ng blended learning ng DepEd.
Nangako rin ang lokal na pamahalaan ng Imus na mamamahagi ito ng higit sa 2,500 radyo na maaaring gamitan ng USB o flashdrive para sa mga recorded na lesson ng mga guro.
Sisiguruhin din umano ng lokal na pamahalaan ang maayos na internet connectivity sa mga paaralan at barangay para sa pag-aaral ng mga estudyante.
Patuloy ang enrollment para sa pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pisikal na mga klase bilang pag-iingat sa sakit na COVID-19.
Photo credit: DepEd Imus City Eagle Riders (DICER)
Read More:
Quezon City naglaan ng P209 milyon para sa blended learning
Higit 5 milyon posibleng hindi makapag-aral ngayong taon
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.