Skip to content

Mga paaralan puwede pang tumanggap ng late enrollees hanggang Setyembre


Maaaring tumanggap ng mga late enrollees o mga hahabol sa enrollment ang mga paaralan hanggang Setyembre, ani ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo, maaari pa rin humabol sa pagpapatala ng mga mag-aaral kahit na tapos na ang opisyal na panahon ng enrollment noong ika-15 ng Hulyo.

Ang nasabing polisiya sa pagtanggap ng mga late enrollees ay nakapaloob sa DepEd Department Order 13 Series of 2018.



“Doon sa polisiya, nakalagay doon, at least 80 percent of calendar days. Pero kung i-o-operationalize mo yun, kung nagbukas tayo ng August 24, pupuwede pa hanggang September tatanggapin,” ani Mateo sa isang pahayag sa radyo.

Nilinaw din ni Mateo na walang tinatanggihan na mga mag-aaral ang mga pampubliking paaralan kaya naman  inaasahan din ng kagawaran na tataas pa ang bilang ng mga magpapatalang mag-aaral sa mga susunod na araw.

Nauna nang sinabi ng DepEd na nakatakdang magsimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa ika-24 ng Agosto sa pamamagitan ng blended learning.

Sa nasabing sistema, gagamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagtuturo tulad ng pag gamit ng mga printed na module, online instruction, at radyo at telebisyon habang hindi pa pinapayagan ng pamahalaan ang mga tradisyunal o face-to-face na klase dahil sa banta ng COVID-19.




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *