Skip to content

Land Bank may alok na pautang para sa tuition


May alok na pautang hanggang P300,000 ang Land Bank of the Philippines sa ilalim ng programang “study-now-pay-later” nito para sa mga magulang na kailangan ng tulong upang mabayaran ang tuition ng mga anak sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Sa ilalim ng I-STUDY Program, maaaring humiram ang mga magulang ng pambayad sa tuition na katumbas ng 1 taon o 2 semestreng bayarin ohanggang P150,000 kada mag-aaral.

Ayon kay Land Bank president at CEO Cecilia Borromeo, layunin ng programa na tulungan ang mga magulang na mapatapos ang mga anak sa pag-aaral sa kabila ng hirap dulot ng pandemya.



Paglilinaw naman ng Land Bank, hindi maaaring lumagpas sa P300,000 ang utang ng mga magulang mula sa bangko.

READ ALSO:
DepEd asked about reducing tuition fees amidst pandemic
Quezon City naglaan ng P209 milyon para sa blended learning

Maaaring humiram ng pera ang mga magulang ng mga mag-aaral sa pre-school, elementarya, hayskul, at kolehiyo.

Ang mga pautang para sa tuition ng mga mag-aaral sa pre-school, elementarya, hayskul ay may interes na 5 porsiyento kada taon at dapat bayaran sa loob ng isang taon.



Para naman sa pautang sa tuition ng mga mag-aaral sa kolehiyo, maaari itong bayaran sa loob ng tatlong taon at may palugit din na 1 taon sa principal na bayarin.

Para makapag-apply sa programa ng Land Bank, kinakailangan ay mapatunayan ng mga magulang ang kanilang kapasidad na mabayaran ang utang sa pamamagitan ng pagpapakita ng mabuting credit history at mabuting credit standing.

Naglaan umano ang Land Bank ng P1.5 bilyon para sa program na magtatagal mula 2021 hanggang 2022.

READ MORE:
Enrollment sa mga pampublikong paaralan sa Maynila, lagpas na sa target
DepEd: Production of self-learning modules with teachers a joint effort




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


17 thoughts on “Land Bank may alok na pautang para sa tuition”

  1. Maria Consuelo marquez

    I like to avail po.ako po nag papaaral sa bunso Kong kapatid..ma grade 12 na po xa..salamat po.

  2. How to apply po….sa case q po….aq na nanay nag.aaral dn last year q n po at meron dn aqng incoming grade 7…..salamat sa tugon po…GBU

  3. I would like to avail po. I have 3 daughters, mag second yr college na po yong eldest ko, mg first yr college yong pangalawa at grade 7 po yong bunso ko. Maraming salamat po!

  4. LIEZL DETUYA SINGCO

    I want to borrow money for the review of my son for the incoming theoritical exam and for the upcoming trainings to be done.

  5. paano po mka pag avail…para po sa anak ko po hindi pa po kmi mka pag enroll.nawalan po ng work asawa ko dahil sa covid salamat po..

  6. Angelica Janina B. Tan

    How can i avail the said loan? Iam one of the many private school teachers who are now jobless. I have a husband who’s into dialysis since june 2020. My daughter is on her 3rd year in Tourism at Fatima University on Valenzuela. Hope I can avail this one aince i have not been lucky enough of the other govt aagencies benefits…sss, dole, pag ibig.
    Thank you in advance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *