Minungkahi ni Sen. Bong Go nitong Huwebes ang pagpapaliban ng pagbubukas ng klase sa Oktubre sa halip na sa Agosto 24 dahil kailangan pa umano ng mas mahabang panahon para paghandaan ang blended learning.
Nanawagan ang senador sa Department of Education (DepEd) na iurong ang pagbubukas ng klase para mas makapaghanda pa ang mga magulang, mag-aaral, at mga guro sa kabila ng mga problemang dulot ng COVID-19.
“Kung hindi pa handa, huwag nating pilitin. Magiging kawawa ang mga estudyante, kawawa ang mga teachers,” ani Go.
“Hirap na po ang mga Pilipino, huwag na nating dagdagan pa ng pressure ang mga bata at mga magulang nila,” dagdag niya.
BASAHIN: Halos 6 milyon estudyante walang kapasidad para sa online learning
Paliwanag ng senador, kailangan bigyan ng dagdag na panahon ang mga mag-aaral at guro na mag-transition sa blended learning bilang ang face-to-face na klase ang nakasanayan na sa bansa.
“Kung tayo nga dito sa Senado ay nahihirapan sa transition to online, paano pa kaya sila?” aniya.
“Ayaw nating maipasa ang burden sa estudyante at ma-pressure sila dahil sa makabagong paraan ng pag-aaral kung hindi pa naman po handa ang lahat,” dagdag niya.
Nauna nang nanindigan si DepEd Secretary Leonor Briones na tuloy ang pagsisimula ng klase sa Agosto 24 sa pamamagitan ng blended learning kung saan sa bahay lamang mag-aaral ang mga mag-aaral.
Gagamit ang mga mag-aaral ng mga printed learning module, internet, at radyo at telebisyon para maiwasan ang posibilidad na mahawa ng COVID-19.
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.