Skip to content

7,000 paaralan magkakaroon ng internet


Bibigyan ng internet access ang nasa 7,000 pampublikong paaralan ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte habang naghahanda ang gobyerno sa pagsusulong ng ‘blended’ learning sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Ayon sa ulat ng Pangulo sa Kongreso nitong Lunes, naglaan ng P700 milyon ang Department of Education (DepEd) para sa internet connectivity ng mga pampublikong paaralan. Nakatakda umanong matapos ang proyekto sa loob ng 10 buwan.

“The target completion of the project, which costs P700 million, will be in 10 months,” ani Duterte sa kaniyang ulat.



(Inaasahang matatapos ang P700 milyon proyekto sa loob ng 10 buwan.)

BASAHIN:
OPINION: Stop normalizing teachers’ resiliency
Makati mamimigay ng learner’s package, libreng internet load sa mga estudyante

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na nakikipag-ugnayan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa DepEd para makabitan ng libreng WiFi ang mga pampublikong paaralan.

Bukod sa DepEd, nakikipag-ugnayan din ang DICT para sa libreng WiFi sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo sa ilalim ng proyektong “Free WiFi Internet Access Service.”



Isa ang online learning sa mga paraan ng pagtuturo sa ilalim ng ‘blended’ learning.

Bukod dito, maaari din gumamit ng mga printed na module, at radyo at telebisyon para sa edukasyon ng mga estudyante.

Nakatakdang magbukas ang klase sa ika-24 ng Agosto. Pinalawak din ang enrollment hanggang ika-15 ng Hulyo.

Mga Kaugnay na Balita:
Quezon City naglaan ng P209 milyon para sa blended learning
OPINION: Rushed internet connectivity project proves PH unprepared for distance learning




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


2 thoughts on “7,000 paaralan magkakaroon ng internet”

  1. Corazon. C. Butaya

    I hope our school will be given the said internet so we the teachers of cabantian National high school will benefit that internet for this coming opening of classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *