Skip to content

GMRC muling ituturo sa mga paaralan


Muling ituturo sa mga paaralan ang Good Manners and Right Conduct o GMRC.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ang panukalang batas para maisama muli sa aralin ng mga mag-aaral ang GMRC sa ilalim ng K to 12 curriculum. Papalitan nito ang umiiral na Edukasyon sa Pagpapakatao.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11476 GMRC and Values Education Act, isasama sa araw-araw na mga gawain sa kindergarten ang GMRC samantalang ituturo naman ito bilang hiwalay na subject sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang 6.



BASAHIN: DepEd nakiusap sa mga pribadong paaralan na huwag muna magtaas ng matrikula

Para naman sa mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang 10, ihahalo ang GMRC sa Values Education.

Ang Values Education naman ay ihahalo sa mga aralin ng mga mag-aaral sa Grade 11 at 12.

Kailangan maturuan ang mga mag-aaral ng pakikipagkapwa tao, respeto, disiplina, at iba pang mabuting kaugalian gaya ng pagiging tapat, masunurin, at mapagmahal sa bansa.



Matatandaang inalis ang GMRC bilang isang regular na aralin sa ilalim ng K to 12 curriculum noong 2013 matapos ihalo ang Values Education sa ibang aralin gaya ng Edukasyon sa Pagpapakatao and Araling Panlipunan.

Batay sa bagong batas, inaatasan ang Department of Education na magsagawa ng training para sa mga guro na magtuturo ng GMRC at Values Education.

BASAHIN: OPINION: Stop normalizing teachers’ resiliency


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *