Pinasinungalingan ng Department of Education nitong Huwebes ang mga kumakalat na balitang may “enrollment quota” ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Naunang sinabi ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) na inutusan umano ang mga guro sa ilang probinsya na magbahay-bahay upang kumbinsihin ang mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak.
Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na hindi nito inutusan ang mga guro na magbahay-bahay. Wara rin umanong “enrollment quota” ang mga guro.
BASAHIN:
OPINION: Stop normalizing teachers’ resiliency
Mga teacher-rider sa Imus maghahatid ng mga learning module
“Upon checking with field units, this claim by this group has been found to be false and without factual basis,” ani ng DepEd.
(Matapos i-check sa aming mga field unit, napatunayan na walang basehan at hindi totoo ang sinasabi ng grupong ito.)

Giit naman ng ACT, nakatanggap daw sila ng mga reklamo mula sa mga probinsya ng Albay, Aurora, Catanduanes, Surigao, at Cebu.
Nagsimula ang enrollment noong ika-1 ng Hunyo at nakatakda sanang magtapos noong ika-30 ng Hunyo.
Ngunit nitong linggo, pinalawig ng DepEd ang enrollment para sa paparating na pagbubukas ng klase hanggang ika-15 ng Hulyo.
Layunin umano ng pagpapalawig ang mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakapag-enroll noong nakaraang buwan.
Samantala, nakatakda namang magsimula ang klase sa ika-24 ng Agosto.
(Photo courtesy of Alliance of Concerned Teachers and Bulatlat.com)
READ MORE:
Quezon City naglaan ng P209 milyon para sa blended learning
Grupo ng mga guro inalmahan ang Anti-Terror Law
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.