Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suhestiyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng limitadong bilang ng face-to-face na klase sa mga lugar kung saan may mababang tsansya na kumalat ang COVID-19.
Napapayag ni DepEd Secretary Leonor Briones ang Pangulo na payagan na ang balik-eskwela ng lang mag-aaral sa mga lugar na napasailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ).
“I’m with you on this one…Okay ako,” ani Duterte sa isang pu long kasama ang mga miyembro ng Gabinete.
Ayon kay Briones, hindi lahat ng paaralan sa mga MGCQ na lugar ay papayagan na magsagawa ng limited na face-to-face na klase.
Mula Agosto ngayong taon hanggang Enero ng susunod na taon, mag-iinspeksyon umano ang DepEd sa mga paralan para suriin kung may kakayanan ang mga ito na magsagawa ng limited na face-to-face na klase. Kailangan din daw aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga paaralan.
“The next is, we were thinking that up to January 2021, during the third quarter, we can start allowing between August and at present, we will be assessing the schools,” ani Briones.
Sa ngayon, may ilang lugar na umano na nagpahayag ng interes para pabalikin ang mga mag-aaral sa paralan gaya ng Siquijor, Dinagat Islands, at Siargao.
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.