Skip to content

Duterte aantayin ang abiso ng DepEd sa pagbubukas ng klase


Hihintayin pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang abiso ng Department of Education (DepEd) ukol sa posibleng pag-urong ng pagbubukas ng klase mula sa ika-24 ng Agosto, ayon sa Malacañang nitong Lunes.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas na nagbibigay sa kanya ng awtoridad upang iurong ang pagbubukas ng klase batay sa payo ng kalihim ng edukasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon, ika-24 pa rin ng Agosto ang napagkasunduan dahil nakabatay pa rin ang pinal na desisyon sa magiging rekomendasyon ni Education Secretary Leonor Briones.



“Ang desisyon po ngayon ay Aug. 24. Unless magkakaroon po ng bagong rekomendasyon ang ating secretary of education, baka hindi po mabago iyong school opening,” ani Roque.

Sa ilalim kasi ng bagong batas maaaring iurong ang pagbubukas ng klase kung ang bansa o ilang bahagi nito ay nasa ilalim ng state of calamity o emergency.

“This certainly gives flexibility to the executive department kung sa tingin nila kinakailangan pa ng mas mahabang panahon bago tayo bumalik sa eskwelahan,” ani Roque.

Nauna nang inanunsyo ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto sa pamamagitan ng blended learning dahil sa krisis dulot ng COVID-19.




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


1 thought on “Duterte aantayin ang abiso ng DepEd sa pagbubukas ng klase”

  1. It’s the responsibility of the office of the President to look after the welfare of the public especially the youth/students of the motherland

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *