Skip to content

Villanueva gustong linawin ng DOLE ang mga panuntunan para sa mga guro


Pinalilinaw ni Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga panuntunan ng kagawaran para sa mga guro at staff ng mga paaralan matapos pumayag ang pamahalaan sa limitadong face-to-face na klase sa piling mga lugar.

Ani Villanueva, chairman ng komite sa Labor Employment and Human Resources Development sa Senado, posibleng may pagkakaiba ang panuntunan ng DOLE para sa mga guro sa mga paaralan para masiguro ang kanilang kaligtasan mula sa sakit na COVID-19.

“Bago po tuluyang payagan ang mga paaralan at training institutes na magpapasok ng mga estudyante, dapat pong magbalangkas ng mga panuntunan para sa kaligtasan ng mga guro at iba pang empleyado ng mga paaralan at training institutes,” ani Villanueva sa isang pahayag. 



BASAHIN: Duterte pumayag na sa limitadong face-to-face na klase

Dagdag pa ni Villanueva, dapat makipagpulong ang DOLE sa DepEd, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority para sa mga panuntunan sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Lubha kasing nakakahawa ang sakit na kumitil na sa higit 1,000 buhay sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi ng Palasyo at Departement of Education (DepEd) na sa Enero pa maaaring magsagawa ng mga face-to-face na klase.



Naglabas na rin ang DepEd ng mga safety protocol para masiguro ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral kapag nagsimula na ang mga face-to-face na klase.


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *