Skip to content

DepEd nakiusap sa mga pribadong paaralan na huwag muna magtaas ng matrikula


Nakiusap ang Department of Education (DepEd) nitong Huwebes sa mga pribadong paaralan na huwag muna magtaas ng matrikula para sa darating na pasukan dahil umano sa mga problemang pinansyal na dinaranas ng mga magulang bunsod ng krisis dulot ng COVID-19.

Ayon sa DepEd dapat unawain ng mga pribadong paaralan ang kalagayang pinansyal ng mga pamilya ngayon lalo na at marami ang nawalan ng trabaho at may mga dagdag na gastusin dahil sa krisis.

“We recognize the need to ensure the sustainability of private educational institutions so that they may continue to be viable partners in the delivery of quality basic education services in the country,” ani DepEd.



(Naunawaan namin ang kailangang tulong na pinansyal ng mga pribadong paaralan para maipagpatuloy ang kanilang mga serbisyo.)

BASAHIN: GMRC muling ituturo sa mga paaralan

“However, this objective must be balanced with the accessibility of these services to learners, particularly those whose families are experiencing financial difficulties brought by the imposition of necessary COVID-19 management measures,” dagdag ng kagawaran.

(Ngunit kailangan ibalanse ito sa sitwasyon ng mga mag-aaral lalo na yung ang mga pamilya ay dumaranas ng problemang pinansyal dahil sa krisis dulot ng COVID-19.)



Nauna nang sinabi ng DepEd na kailangan patunayan ng mga pribadong paaralan na kailangan ang pagtataas ng matrikula para sa darating na pasukan.

BASAHIN: DepEd: Production of self-learning modules with teachers a joint effort


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *