Skip to content

DepEd, NTC magtutulungan para sa mga programang pang-edukasyon


Magtutulungan ang Department of Education (DepEd) at National Telecommunications Commission (NTC) para sa pagpapalabas ng mga programang pang-edukasyon sa radyo at telebisyon habang bawal pa ang tradisyunal na mga klase dahil sa banta ng COVID-19.

Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ng DepEd na humingi ang ahensya ng tulong sa NTC para makapagpalabas ng mga programang pang-edukasyon sa iba’t-ibang istasyon ng telebisyon at radyo kapag nagsimula na ang klase sa Agosto.

“The Department is determined to strengthen education delivery through television, whether it is through commercial broadcast TV networks, free channels, government-owned TV stations, and even cable TV networks,” ani Education Undersecretary Alain del Pascua.



RELATED:
DepEd gets ready for blended learning dry-run in August
DepEd: Simula ng klase sa Agosto 24, tuloy pa rin

(Determinado ang kagawaran na mapalakas ang edukasyon sa tulong ng telebisyon na maaring commercial broadcast, free channel, sa mga istasyon ng gobyerno, at kahit cable.)

Nauna nang nagpalabas ng memorandum ang NTC sa mga istasyon ng radyo at telebisyon para ipaalala ang kanilang tungkulin na tumunlong sa pampublikong edukasyon na nakalagay sa ilalim ng kanilang mga prangkisa.

Ang radyo at telebisyon ay ilan sa mga uri ng education delivery sa ilalim ng blended learning na programa ng DepEd para sa pagsisimula ng klase sa Agosto.



Matatandaang mahigpit na ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tradisyunal na klase hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19.

(Photo credits to Filcatholic.org)

READ MORE:
DepEd nakiusap sa mga pribadong paaralan na huwag muna magtaas ng matrikula
CHED: Statement on Class Opening was Taken Out of Context


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


1 thought on “DepEd, NTC magtutulungan para sa mga programang pang-edukasyon”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *