Skip to content

DepEd may sariling distance learning channel sa Laguna


Mapapanood ang mga educational programs ng Department of Education (DepEd) sa sarili nitong  television channel sa Laguna para sa distance learning sa pagsisimula ng klase sa Oktubre.

Pumirma ang DepEd Laguna at ang Royal Cablevision Corp. sa isang memorandum of agreement para sa libreng TV channel na magagamit ng DepEd.  Eere ang programa sa Channel 24 ng isang cable TV, at nagsimula na ang test broadcast nito.

”Binigyan namin ng mga kagamitan ang mga city division katulad ng Cabuyao ng mga equipment na mayroon silang kapasidad na mag-transmiit ng mga learning materials nila mula sa kanilang mga headquarters,” ani Royal Cablevision Corp. General Manager Omar Salvador Galang.



Malaking tulong ang pagkakaroon ng sariling channel sa pagsusulong ng edukasyon sa probinsya, ani Dr. Neil Angeles, Assistant Schools Division Superintendent ng DepEd sa Laguna.

“Ito po ay karagadagang instructions o karagdagang tool para mas lalo pang maunawaan ng mga bata ang mga lessons,” aniya.

Mapapanood ang mga programa tuwing  alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado.

Paglilinaw ng Royal Cablevision Corp, walang kailangan gastusin ang DepEd para sa pagpapalabas ng mga programa dahil libre umano nilang ipapagamit ang kanilang mga channel.



Isa ang pagpapalabas ng mga programa sa telebisyon sa mga education delivery modes sa ilalim ng programang distance learning ng DepEd.

Maliban dito, gagamit din ng mga printed learning module, radyo, at internet para sa darating na pasukan.

Nakatakdang magsimula ang klase sa Okt. 5.

BASAHIN: 200 teacher-broadcaster kailangan ng DepEd TV




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *