Skip to content

DepEd: Simula ng klase sa Agosto 24, tuloy pa rin


Tuloy pa rin ang pagsisimula ng klase sa ika-24 ng Agosto kahit na pinalawig ang panahon para sa enrollment ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules.

Walang pagbabagong magaganap sa iskedyul ng pagsisimula ng klase ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones.

“Hindi po nagbabago ang school openings,” ani Briones sa isang online press briefing.



BASAHIN: DepEd: Production of self-learning modules with teachers a joint effort

Nasa higit 16 milyong estudyante na ang nakapag-enroll batay sa pinakahuling tala ng DepEd.

Paglilinaw din ni Briones, maaaring magsarili ang mga pribadong paaralan ng iskedyul ng pagsisimula ng klase ngunit kailangan ay may paliwanag sila para dito.

“Ang private schools, may kaluwagan dahil may private schools na may college studies and offerings na nagsasabay,” aniya.



“Kaya may iba na September pa nagbubukas. Pero, of course, they will be justifying this since ang batas nagsasabi na hanggang last day of August lang ang school opening,” dagdag niya.

Siniguro din ni Briones na hindi magsasagawa ng mga face-to-face na klase ang mga paaralan hangga’t walang bakuna para sa COVID-19.

“Sinasabi ko pa nga ‘yan na wala tayong face-to-face na klase hanggang it will be safe to do so by the Department of Health, Inter-Agency Task Force, and itong si Pangulong Duterte,” aniya.

Read More:
DepEd asked about reducing tuition fees amidst pandemic
DepEd, NTC magtutulungan para sa mga programang pang-edukasyon
DepEd gets ready for blended learning dry-run in August




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *