Posibleng makatanggap ng monthly internet allowance ang mga guro sa mga pampublikong paaralan ayon sa isang opisyal ng Department of Education (DepEd).
Maaari din daw makatanggap ng internet allowance ang mga kawani ng ahensya, ani DepEd Undersecretary Alain Pascua sa gitna ng mga panawagan ng iba’t-ibang mga grupo para sa dagdag na allowance para sa papalapit na pagsisimula ng klase sa pamamagitan ng distance learning.
Binahagi ni Pascua sa kaniyang Facebook page ang isang DepEd memorandum na inaanyayahan ang mga regional, division, at school employees na i-register at i-update ang kanilang impormasyon sa DepEd commons account para mapaghandaan ng ahensiya ang pamimigay ng connectivity allowance.
“Kasalukuyang pinaghahandaan ang posibilidad ng pagbibigay ng buwanang probisyon para sa connectivity at communications ng mga teachers at personnel ng DepEd,” ani Pascua sa kaniyang Facebook page.
“Upang makatulong sa pagpaplano at pagtukoy kung ano ang malakas na signal sa bawat lugar at tahanan, hinihiling po namin na mag-register at mag-update ng kanilang mga DepEd Commons Account,” dagdag niya.
Binibigyan ang mga guro at kawani ng DepEd hanggang Setyembre 21 para i-activate ang kanilang mga DepEd Commons account. Ang mga nakarehistro at naka-activate na account lamang ang maaaring mabigyan ng allowance, aniya.
Ang DepEd Commons ay ang online platform ng DepEd kung saan makikita ang mga learning resources. Maaari din mag-download ng learning materials sa Education PH.
This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.
Panu Po malalaman kng nkaregister na Ang isang guro o panu Po Ang pagregister..anung link Po Ang maaari nming puntahan pra mkapgregister kaagad?slamt
Pano po ung hindi maka register kc ang sinasabi ay “email not found”. Lahat na po ng tutorial sa YT ay sinundan ko na, pero wala pong nangyayari,… Something wrong… Ang sinasabi. Tnx po