Skip to content

DepEd tiniyak ang kahandaan sa blended learning


Tiniyak ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules na handa ang kagawaran para sa pagsisimula ng klase sa ika-24 ng Agosto sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Sa isang pre-SONA forum, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na sinubukan na ng kagawaran ang blended learning at handa na itong ipatupad ang sistema sa bansa.

Sa darating na pasukan, magpapatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral gamit ang mga printed na module, online instruction, at radyo at telebisyon.



“Ang importante patuloy ang edukasyon. Bubuksan ang ating classes on August 24. Ang question ay handa ba ang DepEd? Ang DepEd ay handa na. Nakita namin ‘yan sa simulation,” ani Briones.

READ ALSO: Gobernador ng Cavite nagpahayag ng pagkabahala sa gastos sa blended learning

Ginawa ni Briones ang pahayag kasabay ng pagtatapos ng enrollment para sa mga pampublikong paaralan nitong Miyerkules.

Nilinaw din ng opisyal na ang online classes ay hindi sapilitan dahil may iba pa namang paraan para makapag-aral sa ilalim ng blended learning.



“Hindi pinipilit ang mga bata na mag-online sila kung hindi talaga puwede ang online dahil maraming ibang paraan na matuturuan sila without necessarily going online,” ani Briones.

Nauna na rin na siniguro ng DepEd na makakalikom ito ng sapat na pondo para sa mga gastusin para sa blended learning.

Matatandaang kinuwestiyon ng iba’t-ibang mambabatas at grupo ang kahandaan ng DepEd para sa pagpapatupad ng blended learning.

READ MORE:
DepEd siniguradong makakalikom ng pondo para sa blended learning
DepEd gets ready for blended learning dry-run in August




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *