Skip to content

Gobernador ng Cavite nagpahayag ng pagkabahala sa gastos sa blended learning


Nagpahayag nitong Lunes ng pagkabahala ang gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla ukol sa kakulangan ng pondo ng probinsya para maisakatuparan ang planong blended learning ng Department of Education (DepEd).

Ang budget umano ng Cavite para sa taong 2020 ay nasa P4.7 bilyon lamang habang ang kailangan ng probinsya ay nasa P5 bilyon para maisakatuparan ang blended learning para sa 600,000 mag-aaral nito.

Screen Grab Mayor Jonvic Remulla Facebook Page

“Ayon rin sa plano, ang DepEd National ay walang contribution para dito at ito ay 100% na papasanin ng LGU (local government unit),” ani Remulla sa isang Facebook post para kay Education Secretary Leonor Briones.

RELATED: Quezon City naglaan ng P209 milyon para sa blended learning



Sa nasabing budget ng probinsya, halos P1 bilyon na umano ang nagastos para matugunan ang krisis dulot ng COVID-19 habang nasa P2.1 bilyon naman ay nakalaan para sa sahod ng mga manggagawa sa lokal na pamahalaan ganun din para sa operasyon nito. May 1 bilyon din na nakalaan daw para sa mga ospital.

“Sa Cavite pa lamang po ito. Paano pa po ang malalayo na lalawigan at syudad na mas menos ang kakayahan?” dagdag ng gobernador.

Paglilinaw naman ni Remulla, magpi-presenta pa rin ang lokal na pamahalaan ng Cavite Educational Plan ngayon linggo bilang “local solution to a NATIONAL problem.”

READ MORE:
DepEd tiniyak ang kahandaan sa blended learning
DepEd siniguradong makakalikom ng pondo para sa blended learning




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *