Skip to content

Mga Catholic school, humingi ng paglilinaw sa DepEd ukol sa pagbubukas ng klase


Nanawagan ang grupo ng mga Catholic school sa Pilipinas sa Department of Education (DepEd) ng paglilinaw ukol sa pag-urong ng pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Sumulat ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa DepEd para humiling ng isang clarificatory order ukol sa bagong iskedyul ng pagbubukas ng klase.

Noong Biyernes, biglaang inanunsyo ng DepEd ang pag-urong ng pagsisimula ng klase sa Oktubre 5 sa halip na Agosto 24.



Ayon kay Fr. Elmer Dizon, pangulo ng CEAP, nagulat ang kanilang grupo sa biglaang pahayag ng DepEd bilang lahat ay naghahanda na para sa Agosto 24 na pagbubukas ng klase.

Dagdag pa niya, walang nabanggit ang DepEd na planong iurong ang pagbubukas ng klase sa kabila ng mga pulong ng CEAP at ng kagawaran bago ang anunsyo noong Biyernes.

Paliwanag naman ng DepEd,  pinagpaliban muna ang pagbubukas ng klase dahil sa epekto ng naging mas striktong modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga karatig na probinsya para sa mga paghahanda para sa blended learning.

Nilinaw na rin ng DepEd na ang mga pribadong paaralan na nakapagsimula na ng kanilang mga klase ay maaaring magpatuloy pa rin.



Bagama’t nilinaw ng CEAP ang suporta ng grupo sa DepEd, hiling pa rin nila aniya ang mas klarong panuntunan mula sa kagawaran.

Handa na rin aniya ang mga Catholic school sa bansa para magbukas ng klase sa Agosto 24.

Mayroong nasa 1,500 paaralan ang kabilang sa CEAP.


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *