Skip to content

DepEd siniguradong makakalikom ng pondo para sa blended learning


Sinigurado ng Department of Education (DepEd) na makakalikom ang ahensya ng pondo para maisakatuparan ang blended learning na strategy nito sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Nilinaw ng DepEd na hindi sasaluhin ng mga local government unit (LGU) ang lahat ng gastusin para sa blended learning dahil may mga “strategy” umano ang kagawaran para makalikom ng pondo.

Maaari umanong i-realign ng DepEd ang pondo nito para sa ibang mga programa at proyekto para sa blended learning, ani DepEd Undersecretary Anne Sevilla.

Dagdag niya pa, maaari din gamitin ang natitirang balanse ng school’s maintenance and other operating expense o MOOE budget para sa blended learning.



Binigyan linaw ng DepEd ang isyu ukol sa budget para sa blended learning matapos magpahayag ng pagkabahala ang gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla.

BASAHIN: Gobernador ng Cavite nagpahayag ng pagkabahala sa gastos sa blended learning

Matatandaang sumulat si Remulla kay DepEd Secretary Leonor Briones upang bigyang pansin ang kakulangan ng pondo para sa blended learning. Kailangan umano ng probinsya ng Cavite ng P5 bilyon pondo para sa nasa 600,000 mag-aaral nito.

Ang blended learning ang tugon ng pamahalaan sa problema sa edukasyon dulot ng pandemya. Sa ilalim ng nasabing programa, gagamit ng mga printed module, online instruction, at radyo at telebisyon para maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral.

READ MORE:
Quezon City naglaan ng P209 milyon para sa blended learning
DepEd tiniyak ang kahandaan sa blended learning




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *