Skip to content

Grupo ng mga guro inalmahan ang Anti-Terror Law


Inalmahan ng isang grupo ng mga guro ang pagsasabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Terror Bill na ngayon ay Anti-Terror Law na sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), banta sa pagsusulong ng kabuhayan at karapatan ang Anti-Terror Law

“Sa masusing pag-aaral sa ipinasang batas, makikitang hindi mga terorista ang tunay na target na supilin nito kundi ang karaniwang mamamayan na nagsusulong ng kabuhayan at karapatan,” ani ng grupo sa isang pahayag.



READ ALSO:
DepEd gets ready for blended learning dry-run in August
Mga teacher-rider sa Imus maghahatid ng mga learning module

AZNAR/GETTY IMAGES

“Maluwag itong magagamit para bansagang ‘pamimilit sa pamahalaan’ ang pag-ehersisyo ng mamamayan sa konstitusyunal na karapatan sa mapayapang pagkilos upang magpetisyon sa pamahalaan na tugunan ang kanilang mga hinaing,” dagdag nito.

Sa ilalim ng Anti-Terror Law, maaring arestuhin ng walang warrant ang sinumang paghihinalaang terorista, at ikulong nang hanggang 24 na araw nang walang naisasampang kaso.

Pinirmahan ng Pangulo ang Anti-Terror Law bagama’t maraming mga grupo ang nanawagan para i-veto ito.

“Huhubaran tayo ng ATB (Anti-Terror Bill) ng karapatan na epektibong maigiit ang ating mga panawagan para sa sweldo at benepisyo, para sa ligtas na balik-eskwela, para sa karapatan sa abot-kamay at de-kalidad na edukasyon,” ani ng ACT.

Nanawagan din ang guro na ibasura ang Anti-Terror Law na nakatakdang maging epektibo sa ika-18 ng Hulyo.



READ MORE:
OPINION: Stop normalizing teachers’ resiliency
OPINION: Rushed internet connectivity project proves PH unprepared for distance learning


This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *