Skip to content

Higit 5 milyon posibleng hindi makapag-aral ngayong taon


Higit sa 5 milyong estudyante ang posibleng hindi makapag-aral ngayong school year 2020 hanggang 2021 dahil sa krisis dulot ng COVID-19 kung pagbabasehan ang target ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Education (DepEd), inaasahan nila na hindi lahat ng 27 milyon na nag-enroll noong nakaraang taon (SY 2019-2020) ay makakapag-enroll ngayong taon dahil marami sa mga pamilya ang may problemang pinansyal dahil sa pandemya.

BASAHIN: Land Bank may alok na pautang para sa tuition



Matatandaang nauna nang sinabi ni DepEd Undersecretary Jess Mateo na nasa 80 porsiyento lamang ng 27 milyon na nagpatala noong nakaraang taon ang inaasahang makakapag-enroll ngayong taon.

Kung pagbabasehan ang nasabing numero, katumbas ito ng higit 21 milyon kung kaya ibig sabihin ay nasa 5.4 milyon na mag-aaral ang inaasahang hindi makakapagpatala ngayong taon.

Hinimok ng gobyerno ang pagsabak sa Alternative Learning System (ALS) para matugunan ang pagbaba ng bilang ng mag-aaral.

Maaaring magpatala ang mga mag-aaral hanggang ika-15 ng Hulyo.



Tiniyak na rin ni DepEd Sec. Leonor Briones na tuloy ang pagsisimula ng klase sa ika-24 ng Agosto kahit na napalawig ang enrollment.

Gagamit ang DepEd ng “blended learning” para sa school year 2020 hanggang 2021.

Sa ilalim ng panukala, gagamit ng mga printed na module, at online instruction habang bawal ang tradisyunal o face-to-face na klase. Gagamit din umano ng telebisyon at radyo para sa edukasyon.

READ MORE:
Enrollment sa mga pampublikong paaralan sa Maynila, lagpas na sa target
DepEd: Mga guro walang ‘enrollment quota’




This article is brought to you by Education PH, your reliable partner for learning and success. Sa halagang P499/year, makakadownload ka na ng mga premium learning materials para sa iyong anak o estudyante.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *